Janella Salvador, sumagot sa paratang ng dating PA na nagreklamo kay Tulfo

1296
Instagram/@superjanella

Sinagot ni Janella Salvador ang reklamo ng dati niyang personal assistant (PA) tungkol sa sahod na hindi pa umano naibibigay.

Idinulog ng PA na si Michelle Pelongco ang nasabing isyu sa programang “Raffy Tulfo in Action” sa episode nitong Martes, Hunyo 7.

Ayon kay Pelongco, hindi pa ibinibigay ng Kapamilya actress ang sahod niyang P3,600 para sa 12 na araw bago siya paalisin sa trabaho.

Sinabi rin ni Pelongco na mas mababa ang sahod niyang P8,000 kada buwan kumpara sa ibang PA.

Sa Twitter, Miyerkules, inilabas ni Salvador ang kanyang panig at sinabing hindi na siya muling magsasalita tungkol sa isyu.




“I really don’t believe I have to defend myself because trial by media is not the appropriate venue for this,” aniya.

“If you believe in your own lies and I really violated something, sue me,” hamon niya kay Pelongco.

Dagdag pa ng aktres, If you’re gonna twist the story in your desperate attempt to get money from me… sorry, hun. 3.6K is small and I would gladly give it to someone who deserves it. Not worth my time.”

“We are literally still going through a pandemic and our press freedom is in danger,” hirit pa ni Salvador sa dulo.

Sa ngayon, Miyerkules, trending pa rin sa YouTube ang naturang episode ng programa.