Janella Salvador, may mensahe para sa kaibigang si Joshua Garcia

156
Photo from IG/superjanella

Tila malalim ang nabuong pagkakaibigan ng “The Killer Bride” love team na sina Janella Salvador at Joshua Garcia.

Sa pagtatapos ng ABS-CBN serye, nag-iwan ang dalawang aktor ng mensahe para sa isa’t-isa sa kanilang Instagram account.

Nauna nang nagpahayag si Garcia noong nakaraang linggo na masuwerte raw siyang nagkaroon ng kaibigang gaya ni Salvador.

INNITY ADS

View this post on Instagram

I am lucky to have a friend like you

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

Sinundan naman ito ng aktres ng pasasalamat sa onscreen partner para raw sa pagiging “wonderful leading man.”




“Thank you for being such a wonderful leading man. You are absolutely talented and you deserve all the recognition and praises you are receiving,” saad ni Salvador sa post.

“You are absolutely talented and you deserve all the recognition and praises you are receiving,” sabi niya pa sa kaibigan na halos katulad niya raw.

Sa huli, binilin ng aktres na “keep shining” at nagpasalamat din siya sa lagi raw pagpapakain sa kanya ni Garcia.

Mabilis naman ang tugon ni Garcia na: “Thank you. Miss ko na kayo. Ingatan mo sarili mo palagi, hanggang sa susunod na project.”

Naging usap-usapan ang love team na JoshNella kamakailan matapos kumalat ang video mula sa after-party ng “The Killer Bride” noong Biyernes.

Sa naturang video, tinawag ni Garcia si Salvador ng “baby” na nauwi naman sa hiyawan at panunukso ng kanilang co-stars, sa pangunguna ng lead actress na si Maja Salvador.