James Yap, hindi na nga ba nakikita si Bimby?

272
via philnews.ph

Pinili ni James Yap na ‘wag nalang mag-komento nang tanungin kung nagkikita pa sila ni Bimby, anak niya kay Kris Aquino.

“Ayaw ko na mag-comment. Basketball lang tayo,” aniya.

Ayon kay James, mas masaya at tahimik ang buhay niya ngayon na malayo ang buhay sa showbiz, noong mag-asawa pa sila ng Queen of All Media.

INNITY ADS

Matatandaan na nitong Mayo lamang ay nag-komento si Kris kay Lolit Solis kung bakit hindi niya binabanggit kailanman ang asawa.

Ani Kris, “I chose to shut up… We’re better off this way.”




Ikinasal sina Kris at James noong 2005 at naghiwalay noong 2010 dahil sa ‘irreconcilable differences’.

Samantala, ibinahagi naman ni James ang kasalukuyang sitwasyon kasama ang kinakasama at mga anak.

Sinabi ni James na kinakailangan niyang maging patas sa kaniyang atensyon ang pamilya, sa pag-eensayo para sa mga laro sa PBA lalo na ngayong siya’y may negosyo.

“Kailangan i-manage mo talaga ang time mo kasi ‘pag nagbigay ka ng time sa business, may time din sa pamilya mo. Kailangan talaga ‘yun para hindi magkagulo,” pahayag ng basketbolista.

Sinigurado ng PBA star na kahit hati ang atensyon sa negosyo ay naiintindihan ng kaniyang pamilya na para ito sa kanila.

“So naiintindihan naman nila ako kung busy dito, kasi para naman ‘to sa kanila,” paliwanag ni James.

Tinaguriang “Big Game James” si Yap sa Philippine Basketball Association nang magsimula ang karera nito sa nasabing liga noong 2004. Siya ay may dalawang anak sa kasalukuyang karelasyon na si Michela Cazzola.