James Reid, Nancy ng MOMOLAND magtatambal sa isang teleserye

3116
Facebook/Dreamscape Entertainment

Magsasama para sa isang bagong teleserye ang aktor na si James Reid at miyembro ng Korean girl group na Momoland na si Nancy McDonnie.

Kinumpirma ang nasabing tambalan sa Instagram ni Deo Endrinal, head ng Dreamscape Entertainment na gagawa ng palabas.

Dinaluhan ni James at Nancy ang story conference ng paparating nilang Kapamilya serye na pinamagatang “Soulmate”.

INNITY ADS




Hindi pa naman inanunsyo kung kailan ipalalabas ang teleserye na sasailalim sa direksyon ni Antoinette Jadaone.

Ito ang kauna-unahang proyekto ng Filipino-Australian actor simula nang umalis sa talent management na VIVA.

Si Nancy, o Nancy Jewel McDonnie ay South Korean idol na half-American.

Pinasikat ng grupong MOMOLAND ang “Bboom Bboom” at “BAAM”.