James Reid, nag-aalangang makatrabaho si Julia Barretto

7068
James Reid photo screenshot from TWBA | IG/juliabarretto

Walang problema si James Reid na makatrabaho sa isang proyekto sina Yassi Pressman, Janella Salvador, Liza Soberano at maging si Kathryn Bernardo.

Pero pagdating kay Julia Barretto na dati na ring na-link sa kanya, itinumba ni Reid ang posibilidad na makatambal ang aktres.

Sa panayam sa “Tonight With Boy Abunda”, sinabi ni Reid na maigi nang umiwas siya sa “ingay” na mangyayari kung sakaling magsama sila ni Barretto.

INNITY ADS

“There’s too much noise when it comes to fans and stuff. I have no problem with her. It’s just that there’s too much noise,” paliwanag ng aktor.

“Para walang gulo?” singit ng host na si Boy Abunda na sinang-ayunan naman ng aktor.




“Let’s make life easy,” hirit ni Reid.

Sa parehong segment, tinanong din si Reid kung pabor na makatrabaho ng girlfriend na si Nadine Lustre ang ilang aktor.

Kabilang sa mga nabanggit sina Joshua Garcia, Arjo Atayde, Coco Martin, Daniel Padilla, at Gerald Anderson.

Tanging kay Martin lang nag-alangan ang aktor dahil wala pa aniya siyang maisip na proyektong babagay sa dalawa.