James Reid, Nadine Lustre namataan sa iisang party makaraan ang hiwalayan

505
James Reid and Nadine Lustre. Image:Instagram

Tila nabuhayan ang ilang fans ng tambalang James Reid at Nadine Lustre matapos mamataan ang dalawa sa iisang lugar matapos ang kanilang hiwalayan.

Lumutang sa social media ang ilang bidyo at litrato nilang magkasama sa isang party sa Makati City noong Sabado ng gabi.

View this post on Instagram

Friend spotted JADINE last night!! I repeat JADINE is alive!!!!!!!!! #jamesreid #nadinelustre #jadine 📷katnggg

INNITY ADS

A post shared by Sity Jadine (@sityjadine) on

Wala pang isang linggo mula nang kumpirmahin ni James at Nadine na hiwalay na sila para anila sa kani-kanilang “career” at “personal growth.”

Sa Pebrero sana ang ika-apat na anibersaryo ng dating magkasintahang sumikat sa love team na “JaDine” na nagsimula sa pelikulang “Diary ng Panget” noong 2014.