Ivana Alawi sa mga nagpapadala ng indecent proposal: Hindi ninyo ako mabibili

3576
Ivana Alawi. PHOTO: Instagram/@ivanaalawi

Ibinunyag ng social media star at bagong Kapamilya actress Ivana Alawi na maraming nag-aalok sa kanya ng mahahalay na gawain.

Sa panayam matapos ang story conference ng kanyang teleserye sa ABS-CBN na “Lihim ni Ligaya”, sinabi ni Alawi na palagi niyang tinatanggihan ang mga katulad na alok.

“Actually, ang dami sobra, ngayon. Lalo na ngayon parang feeling nila na makukuha kasi I show skin. Pero dinededma ko sila. Minsan sinasabihan ko na, ‘No, you cannot buy me.’ Dinediretso ko,” aniya.

INNITY ADS

“Some people, from people I know, dumadaan sila r’on. Feeling nila, ‘Mayaman ako, makukuha ko lahat,’ pero you cannot buy everything with money,” dagdag niya.

“You can look, but you can not touch” na imahe raw ang gustong ipakita ni Alawi.




Unang nakilala si Alawi sa talent search ng GMA na “Starstruck”, ngunit hindi siya pinalad.

Kasunod nito, sumikat ang aktres sa social media nang mag-trending ang kanyang mga sexy photo.

Sa ngayon ay mayroon na siyang 2.5 million followers sa Instagram at 4 million subscribers sa YouTube.

Gustong patunayan ni Alawi sa paparating niyang palabas na hindi lamang pagpapa-sexy ang kaya niyang gawin.