Ivana Alawi ibinunyag kung magkano, saan ilalaan ang kinikita sa YouTube

5979
Instagram/ivanaalawi

Hindi raw totoo ang mga haka-haka na kumikita si Ivana Alawi ng “isang milyon kada araw” sa kanyang mga vlog sa YouTube.

Nilinaw ito ng Kapamilya sexy actress sa video na “Mukbang + Answering Questions” nitong Martes, kasama ang kapatid na si Mona Louise Rey.

“Hindi ako magbibigay ng specific na amount — kasi may mga videos na lumalabas na pwede kang kumita ng 5-6 digits per video, hindi totoo guys,” sabi ni Ivana.

INNITY ADS

“May lumabas kasi na parang video na parang ‘Ay, si Ivana kumita siya ng 1 million pesos dahil sa 5 million views niya,’ hindi totoo ‘yun,” dagdag niya.

Si Mona naman ang nagpaliwanag na depende pa rin sa maraming bagay ang kinikita ng bawat video.




“Hindi naman totoo ‘yung sinasabi nila na every one million views kikita ka ng this amount. Hindi siya ganun. Per ad siya, per view, kung gaano katagal pinapanood ng tao, alin yung ad, kung magcli-click sila,” sabi ni Mona.

Nagbigay na lang ng clue si Ivana kung nasa magkano ang kinikita niya.

“Ang kinikita ko lang is 6 digits. Hindi siya totoo na parang kumikita ka ng 1 million per day. Pangalawa hindi ako sumali sa YouTube dahil sa kita,” aniya.

Ibinunyag niya rin na hindi niya pa ito nagagalaw ang kita niya sa YouTube dahil sa isang rason.

“Pero hindi ko pa siya nagagastos kahit piso kasi nga pambili ko yun ng bahay ni mama,” saad niya.

Nito lamang Biyernes, umabot na sa 6 million subscribers ang YouTube channel ni Ivana makaraan ang pitong buwan.