Isabelle Daza, gumawa ng animated story para ipaliwanag ang COVID-19 sa mga bata

1213
IG/isabelledaza

Idinaan ni Isabelle Daza sa animated children’s story ang pagpapaintindi ng kasalukuyang COVID-19 pandemic sa anak na si Balthazar.

Ibinahagi ng aktres sa Facebook nitong Lunes, ang three-minute-long video na may salin sa Tagalog at English.

“Gumawa ako ng kwento para maintindihan ng aking anak kung ano ang nangyayari sa sitwasyon ngayon dulot ng covid-19,” sabi niya.

INNITY ADS

Bida sa kuwento ni Daza ang tigreng si Tralala at kanyang mga kaibigan na hindi na makakapasok sa eskuwela at makakapaglalaro dahil sa pagkalat ng coronavirus.

Habang nasa kani-kanilang bahay ang mga batang tigre, ipinapaliwanag ng kanilang mga magulang ng kahalagahan ng quarantine, paghuhugas ng kamay at physical distancing.




Pinasalamatan din ni Daza ang mga nakatulong niya sa proyekto na sina Tristan Yapchiongco, Joe Puyat, Billie Puyat Murga, Nina Daza-Puyat at Jewies Art Space.