Ion Perez, itinangging may relasyon sila ni Vice Ganda

883
Instagram / viceion fan page

Mahal daw ni Ion Perez si Vice Ganda, pero… “as a friend.”

Itinanggi ni Ion, kilalang Kuya Escort sa It’s Showtime, na may relasyon sila ng komedyante at host sa naturang noontime show na si Vice.

Sa story conference ng paparating na pelikula na Mang Kepeng kung saan kabilang si Ion, sinabi niyang “sobrang malapit” sila ni Vice kaya baka “sobrang nag-iisip” lang daw ang mga tao.

INNITY ADS

“Sobrang malapit lang kami sa isa’t isa. Sobrang close kami–close na close kami ni Vice, parang hindi na rin siya naiiba sa akin,” aniya.

Biniro rin si Ion na baka half-meant ang tuksuhan sa It’s Showtime tungkol sa kanilang dalawa.




Natatawa naman siyang sumagot ng “Malay natin!”

“May konting ano naman, minsan napapansin niyo. Pero biru-biruan lang kami,” dagdag ni Ion.

Nang tanungin kung gaano niya kamahal si Vice, “Mahal ko pa siya as a friend” ang sagot ng binata.

Wala rin daw kaso sa kanya ang tuksuhan dahil kilala niya si Vice at aniya, “wala naman po siyang ginagawang masama sa’kin.”

Ilang ulit naging usap-usapan ang umano’y relasyon ng dalawa matapos lumutang ang picture nila na magkasama sa ibang bansa, na sinundan pa ng ulat na isa si Ion sa mga nag-alaga noong na-ospital si Vice.

Bukod dito, usap-usapan din ang pagdalaw ni Vice kasama ang kanyang nanay, sa pamilya nila Ion.

Kamakailan lang din ay napansin naman ng netizens na naka-tattoo sa binti ni Ion ang kaarawan ni Vice.

Ngunit walang direktang pag-amin ang dalawa sa mga dumaang balita.