Ina Raymundo para sa sexy photos ng anak: ‘It’s OK to show what she’s got’

1362
(Ina Raymundo Instagram)

Matapos ang selebrasyon ng ika-18 kaarawan ng anak ng sexy actress Ina Raymundo na si Erika Rae Poturnak, iba’t ibang reaksyon ang natanggap ng dalaga.

Ito ay nang ibahagi nito ang kanyang sexy swimsuit pictorial at video kung saan marami ang nang-bash sa social media.

INNITY ADS

Ngunit para kay Ina, naalagan ng maayos ang kanyang anak at wala umanong masama na ipakita niya kung ano ang meron siya.

“For me, it’s OK to show what she’s got,” aniya.




Sinabihan pa raw niya ang anak na pwede niyang ilantad ang kanyang sarili sa social media para mas mapakilala niya ang kanyang sarili.

“I was there, too. I told her to expose herself more on social media so people would know her more,” saad ni Ina.

Ayon sa aktres, buo ang kanyang suporta sa anak kahit ano’ng mangyari.

Kung hindi pa raw ramdam ni Erika ang pagpasok sa kolehiyo o sa industriya, hindi niya raw ito pipigilan.

Saad niya, “We can’t decide for Erika. I will just pray for her discernment. It’s better to not insist on her to do something.”

Sa ngayon ay may kakayahan na raw ang kanyang anak para pag-isipan ang kanyang mga magiging desisyon sa sarili.