Ina Raymundo, hindi raw pipigilang mag-artista ang anak na si Erika

193
(Ina Raymundo Instagram)

Para sa sexy actress na si Ina Raymundo, bilang magulang ay susuportahan niya kung ano ang gustong gawin ng kanyang mga anak.

Gaya ng kanyang anak na babaeng si Erika na kamakailan ay nagdiwang lang ng kanyang ika-18 kaarawan.

Isa kasi sa nagiging option nito ang pagpasok sa showbiz lalo pa’t malapit na siyang magtapos sa sekondarya.

INNITY ADS

Ayon kay Ina, mahiyain sa camera si Erika ngunit dahil sa ganda nito ay talaga namang natural sa kanya ang pagiging isang aktres.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Ina na sa ngayon ay nalilito ang anak kung itutuloy ba ang pag-aaral o sasabak na sa industriya ng showbiz.




Aniya, “Kasi mahilig din siyang kumanta. So ngayon, nasa crossroad siya ng buhay niya na hindi niya alam kung ipe-pursue ba niya.”

Pinayuhan daw niya ang anak na pag-isipan mabuti ang magiging desisyon sa pagpili kung ano ang gusto niyang gawin sa susunod na yugto ng kanyang buhay.

“Feeling ko she’ll end up taking a gap year na isang buong taon na hahanapin niya muna kung anong gusto niyang gawin sa buhay kesa ‘yung mag-decide kung anong course tapos biglang magpapalit din,” sabi ni Ina.

Para sa kanya, kung ano ang gustong gawin ng anak ay buo naman ang suporta niya rito.

“So ako kung ano ‘yung gusto niya sa buhay niya supportive ako,” giit ng aktres.

Gayon pa man, ibinahagi ni Ina na nais nilang mag-asawa na mag-kolehiyo ang anak.

Pero kung hindi raw ito ang gusto ni Erika ay hindi nila ito kukukitin.

Sabi niya, “Kasi ‘di ba, adult na siya eh. You cannot stop her.”

Parati rin daw pinapayuhan ng aktres ang anak na laging magdasal.

“Prayers na lang. Mahirap din kasing pangunahan eh. Alam mo naman ang panahon ngayon. She’s very independent kasi,” saad ni Ina.

Naniniwala rin ang aktres na hindi naman niya kailangang ipilit sa anak na gawin nito ang isang bagay.