‘I respect the law’- Jake Zyrus, nagsalita na tungkol sa LGBTQ, Public toilet issue

365
Photo: Jake Zyrus Facebook

“Nagsi-CR ako kung saan ako dapat mag-CR.”

Pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang pahayag ng singer na si Jake Zyrus tungkol sa isyung kinakaharap ngayon ng mga transgender sa paggamit ng public toilet.

Sa launching ng kanyang bagong album sa Star Music  na ‘Evolution’, ibinahagi ng singer ang kanyang saloobin.

INNITY ADS

Sinabi niya na hindi raw niya pipilitin ang kanyang sarili na gumamit ng CR ng mga lalaki dahil sinusunod at nirerespeto niya raw ang batas.

“I am just following the law because it’s what they said, right? Biologically, I am a woman so I follow it,” dagdag pa niya.




Pinalakpakan ang kanyang mga pahayag dahil sa pagbibigay nito ng pagpapahalaga sa batas na ipinatutupad sa bansa.

Ibinahagi rin niya na hindi kasi lahat ay pare-parehong mag-isip.

Kasunod nito ay ipinaliwanag din ng transman singer na ang naturang isyu ay hindi na umano tungkol sa sekswalidad at paggamit ng cr kundi tungkol na sa kung paano ba dapat natin tratuhin at tanggapin ang isa’t isa.

Dagdag pa nya, “This is not just about understanding me, understanding the LGBT community –this is both ways.”

Sinabi rin niya sa huli na maraming problema ang mas nangangailangang pagtuunan ng pansin.

Matatandaang naging malaking isyu ang paggamit ng public toilet para sa mga transgender noong naaresto si Gretchen Diez nang gumamit ito ng female restroom noong nakaraang buwan.