‘I have found my forever’: Maritoni Fernandez, ikinasal na kay Mon Dayrit sa edad na 51

470
(Maritoni Fernandez Instagram)

Sa edad na 51 ay ikinasal na ang beterang aktres na si Maritoni Fernandez sa kanyang partner na si Mon Dayrit sa isang civil wedding.

Sa Instagram post, ibinahagi ng aktres ang isang larawan habang hawak niya ang isang kulay puting bulaklak at suot ang kanyang singsing.

“This is the day the Lord has made. After 51 years, I have found my forever. Today, I became Mrs. Dayrit,” saad niya.

Ipinakita rin ni Fernandez ang retrato kasama ang asawa matapos ang kanilang civil wedding sa Parañaque City Hall noong Hulyo 7, Martes.

View this post on Instagram

Nothing fancy, just love. ❤️ #myforever #monton #beyondblessed #barleyqueenweds

A post shared by Ton (@maritoni.fernandez) on




“Nothing fancy, just love,” saad niya sa caption.

Sa isang nakahiwalay na post ay makikita ang isa pang litrato ng dalawa.

Sabi ni Fernandez, My forever ❤️.”

View this post on Instagram

My forever ❤️ #barleyqueenismarried #aintnomontonhighenough

A post shared by Ton (@maritoni.fernandez) on

Marami naman sa industriya ang nagbigay ng mensahe ng pagbati sa dalawa.

Dalawa na ang naging anak ni Fernandez sa kanyang previous marriage, sina Lexi at Liam.

Gayundin si Dayrit na may dalawa ring anak sa kanyang naung asawa.