Heart Evangelista, nagpa-wow sa kaniyang topless pictorial

503
Image from IG/Heart Evangelista

Mas lalong pinainit ni Heart Evangelista ang paparating na summer dahil sa kaniyang sizzling hot na pictorial.

Ibinahagi niya sa Instagram ang litrato kung saan naka-topless siya at bahagyang nakatalikod habang nakahawak sa dalawang dibdib.

INNITY ADS

“Treasure yourself every single day,” paalala ng TV host-actress sa Instagram account.

Kuha ng fashion photographer na si Charisma Lico ang pinag-uusapang daring photo.




Batay sa ulat ng Pilipino Star Ngayon, para sa isang high-end jewelry store na ini-endorse ng Kapuso star ang nangyaring photoshoot.

Napa-wow ang mga artistang sila Lovi Poe, Maja Salvador, Jessy Mendiola, Iza Calzado, Mark Bautista atbp. sa kaseksihang ipinakita ni Evangelista.

Curious naman ang netizen na si cham_momin sa naging reaksyon ni Sorsogon Governor Chiz Escudero, mister ng 35-anyos na style icon.

Image from IG/Heart Evangelista

“He told me to post it, he said I should be proud,” reply ng butihing maybahay ni Chiz.

Sa loob lamang ng tatlong araw, umabot na sa mahigit 470,000 likes ang daring photo ni Mrs. Escudero.