Heart Evangelista sa isyung buntis: I’m pregnant with chicken

344
Images from IG/Heart Evangelista

Nagsalita na si Heart Evangelista kaugnay sa balitang kumakalat na buntis siya ulit.

Sa Twitter post ng aktres nitong Huwebes, nilinaw at nagbiro siyang manok ang dinadala niya sa sinapupunan at hindi sanggol.

Naging viral sa social media ang retrato ni Evangelista na tila nakaumbok ang tiyan habang hinahawakan ng asawang si Sorsogon governor Chiz Escudero.

Inulan ng pagbati at tanong ang comment section ng TV host-actress at mas tumindi pa ang haka-haka ng netizens dahil hindi siya kaagad sumagot sa reaksyon ng netizens.

View this post on Instagram

Cheesy with Chiz! 🎉

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

Taong 2018 nang inanunsyo ni Evangelista ang pagbubuntis niya sa kambal nila ni Escudero subalit nagkaroon siya ng miscarriage.