Heart Evangelista, nagsalita sa tsismis na buntis: ‘It’s a sensitive topic for me’

883
Heart Evangelista. Instagram/@iamhearte

Nilinaw ni Heart Evangelista ang usap-usapan na nagdadalantao siya.

“I am not pregnant… fake news. Thank you for all your wishes but I am not,” saad ng aktres sa Twitter noong Sabado.

“I’d like to set the record straight. It is a sensitive topic for me. Thank you,” dagdag niya pa.

INNITY ADS

Matatandaang noong 2018 nang makunan ang Kapuso star habang nasa ikatlong buwang pagbubuntis sa kambal na panganay sana nila ni Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero.

Ipinagdiwang ni Evangelista ang nagdaang Mother’s Day kasama ang mga anak ni Escudero sa dating misis.




Bukod sa stepchildren, magulang din ang aktres sa mga alaga at inampon niyang aso.