Heart Evangelista, may bagong proyekto na tutulong sa mga estudyante sa distance learning

206
Instagram/@iamhearte

Hindi pa natatapos sa pamimigay ng tablet ang pagtulong ni Heart Evangelista sa mga estudyanteng haharap sa “new normal” sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa Instagram ngayong Lunes, inanunsyo ng Kapuso actress ang simula ng proyektong “Big Heart PH” sa Hulyo 1, na may layuning tugunan ang pangangailangan ng mga estudyante upang makapagpatuloy sa pag-aaral.

“Under the new normal, they would be required to comply with distance learning or forced to stop their education if they couldn’t. That means that each student would need access to their own tablet and internet,” hinaing ni Evangelista.

View this post on Instagram

A few weeks ago, I sold this painting of mine in hopes to raise funds to do something that my heart was calling me to. ❤️⁣ ⁣ This pandemic has affected so many people in all walks of life and some of those most affected are the students— under the new normal, they would be required to comply with distance learning or forced to stop their education if they couldn’t. That means that each student would need access to their own tablet and internet. This project of mine started when people were messaging me on Twitter asking for assistance. I knew then in my heart that I had to do something. Someting bigger. ⁣ ⁣ On July 1, I will officially be launching Big Heart PH— a project that will help equip students in need with tools for them to be able to continue their education. ❤️ I know this little project of mine will not be able to help everyone, but I know it will change the lives of those we are able to. ✨ #BigHeartPH @phbigheart

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

“This project of mine started when people were messaging me on Twitter asking for assistance. I knew then in my heart that I had to do something. Someting bigger,⁣” paliwanag ng aktres.




Nito lang ding buwan nang simulan ni Evangelista ang pamimigay ng tablet sa mga lubos na mangangailangan nito sa ikakasang online classes. (BASAHIN: Heart Evangelista, mamimigay ng tablet sa mga estudyanteng may online classes)

Nagawa niya pang ibenta ang isa niyang painting para makabili ng 550 na tablet.

“I know this little project of mine will not be able to help everyone, but I know it will change the lives of those we are able to,” dagdag niya sa post.

Isa ang aktres sa mga local celebrity na aktibo sa pagtulong sa iba’t-ibang sektor na apektado sa krisis sa COVID-19.

Bukod sa gadget, patuloy rin ang alok ni Evangelista na libreng medical at financial aid sa kanyang Twitter page habang umiiral ang community quarantine.