Heart Evangelista, mamimigay ng tablet sa mga estudyanteng may online classes

23653
Heart Evangelista. Instagram/@iamhearte

Mamamahagi si Heart Evangelista ng tablet sa mga lubos na nangangailangang estudyante mula sa mga paaralang magkakasa ng online classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Inanunsyo ito ng Kapuso actress sa Twitter ngayong Huwebes, kasama ang litrato ng isang model ng tablet.

“For those who don’t have tablets for online school please DM me on Instagram… I will be giving away as much tablets as I can,” saad niya.

INNITY ADS

Pumasa na sa ikatlong pagbasa ng Senado ang panukalang ilipat sa Agosto ang simula ng klase dahil sa krisis sa COVID-19.

Nauna nang iginiit ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na hindi magkakaroon ng face-to-face classes hangga’t hindi pa ligtas.




Iminungkahi rin ng Commission on Higher Education (CHED) na kung kakayanin ay magsagawa ng alternatibo paraan tulad ng e-learning, ngunit lumabas sa sumunod nilang ulat na 20% lang ng mga pamantasan ay may kakayanang gawin ito.