Gazini Ganados, ibinahagi ang unang pagkikita ng tunay na ama matapos ang mahigit 20 taon

455
(Gazini C.J. Ganados Instagram)

Masayang ibinahagi ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2019, Gazini Ganados ang naging pagkikita nila ng kanyang amang Palestinian matapos ang mahigit dalawang dekada.

Ito kasi ang kauna-unahang pagakakataon na nagtagpo ang dalawa sa loob ng napakaraming taong hindi pagsasama.

Nitong Miyerkules, Peb.12, ikinuwento ni Gazini sa “Magandang Buhay” ang naging eksena nang kanilang pagkikita na nailarawan niyng mala-teleserye.

INNITY ADS

Aniya, nagsimula ang lahat nang mag-message daw ang kanyang ama sa kanyang Facebook page.

“Yung friend niya nagsabi na, Oh this girl is familiar, maybe this is your daughter,” kwento niya.




Nakita ng kanyang nobyo ang mensahe kaya agad daw itong nag-set ng sorpresa para sa pagkikita ng mag-ama.

“They started to come up with the surprise na. When I got back, that’s when it all happened,” saad ng beauty queen.

Kagagaling lang daw noon ni Gazini sa airport nang magkita sila ng ama na lumipad pa mula India.

Sabi niya, “Paakyat na kami sa stairs then nandoon ‘yung father ko naghihintay. When he turned around na-shock na lang ako tapos I was so speechless.”

Alam niya raw na tatay niya ang lalaking naghihintay dahil pansin niya ang pagkakapareho nila sa istura.

“Alam ko lang na siya kasi mayroon kaming frame sa bahay namin na photo niya nung college sila ng mom ko. Then sobrang kamukha ko siya. He’s like the male version of me. So alam mo talaga na father ko siya,” dagdag niya.

Dito na raw umiyak si Gazini kasunod nang pagluha rin ng kanyang long-lost father.

Kwento niya, hindi raw alam ng kanyang ama ang tungkol sa kanya. Wala raw itong ideya na mayroon siyang anak.

Nang lumipad daw kasi ito palabas ng bansa, hindi raw sumama ang kanyang ina dahil plano raw nitong alagaan ang kanyang mga magulang.

“Sabi ko, I don’t have any grudge with you and that I’m still happy to meet you finally after searching for you. Then he said he’s sorry and he didn’t know anything about it and he loves me and he’s so proud of me and I’m so happy,” saad niya.

Sabi ni Gazini, ngayon ay masasabi niyang nagbunga lahat hindi lang sa kanya at kanyang advocacy ngunit maging sa kanyang sarili dahil sa wakas ay naging buo na umano ang kanyang pagkatao.