Gary Valenciano, ipagdarasal daw si Duterte sa kabila ng mga batikos

7758
Facebook/Gary Valenciano Official

Pinili ni Gary Valenciano na huwag pansinin ang mga opinyon sa pamamalakad ng gobyerno, sa halip ay ipagdarasal niya raw si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ng speech ni Duterte noong Lunes, naglabas ng mensahe ang singer-songwriter para sa pangulo.

“To our president, President Rodrigo Duterte, there are so many opinions after each time you speak, but I choose to look over all that’s said and simply follow what I know my God wants me to do; and that is to keep you covered in prayer,” saad niya sa Twitter.

INNITY ADS

Noong Biyernes, matatandaang sinabi ni Duterte na malaya ang publiko na punahin ang pamamalakad at pagtugon ng administrasyon sa kasalukuyang pandemic.

“I govern properly and right. If it makes you happy, then you smile. If not, you criticize me. Walang pigil, social media, lahat kayo,” ani Pangulo.




Hati naman ang reaksyon ng netizens sa ipinahayag ni Valenciano; ilan dito ay sinagot niya rin.