
Sa kagustuhang makapagbigay ng pag-asa ng singer na si Gary Valenciano para sa mga kababayan sa gitna ng coronavirus pandemic, mayroon itong inihandang online concert.
Sa darating na linggo ay magaganap ang dalawang araw na Facebook live concert ni Gary V.
Ibinahagi ng singer sa kanyang Instagram account ang nasabing concert.
Saad niya, “May these events help in keeping all of us hopeful.”
Aniya, “Hi everyone. Inviting you to join me for two nights of music from my home on April 18 & 19 at 8:30pm.”
Ang naturang concert na pinamagatang “Hopeful 2020” ay mangyayari sa ganap na 8:30 ng gabi sa Sabado’t Linggo.
Maaalalang nakalikom ng mahigit P1 million si Gary V para sa mga kababayang pinakaapektado ng coronavirus lockdown sa pamamagitan din ng mga unang isinagawa niyang concerts.
Mangyayari ang pagtatanghal ni Gary ngayong darating na Sabado’t Linggo na mapapanood live sa Facebook.