Gab Valenciano, nagpakain sa 6,000 pamilya sa QC sa gitna ng quarantine

2374
Instagram/gabvalenciano

Mahigit 6,000 pamilya sa Quezon City ang nahandugan ni Gab Valenciano ng makakain sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.

Katuwang ng singer-dancer ang mga kaibigan na sina Victor Pring at Dave Valmocina sa pamimigay ng pagkain sa iba’t-ibang lugar sa nasabing lungsod.

Batay sa Instagram posts ni Valenciano, nakarating na ang kanilang inisyatibong tinawag na #VitalPilipinas sa Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth at Payatas.

INNITY ADS

“During this quarantine period, a lot can be said about our current status in society. The violence, the anger, the hate and the fear. But what you see right here is where the strength of our people scream the loudest,” saad niya sa post nitong Abril 15.




“I am proud not just of our amazing team of volunteers and frontliners, but the resilience, kindness and generosity many have shown through this very dark time,” dagdag niya.

Ayon pa kay Valenciano, nagsilbing “eye-opener” para sa kanilang team ang karanasan sa proyektong nakatulong sa higit 6,000 pamilya.

“We don’t have any plans to stop nor slow down. This is just the beginning and I am blessed by the support we are gaining all over the world,” aniya.

Pinuntahan naman ng grupo ang Pasig City nitong Huwebes, Abril 16, para naman sa planong pamimigay ng pagkain sa 10,000 pamilya, base sa IG Stories ni Valenciano.