‘FPJ’s Ang Probinsyano’, magkakaroon ng Hollywood actors?

313
Photo: Coco Martin Facebook

Kinumpirma ni Coco Martin na mayroon na silang negosasyon sa ilang Hollywood stars na magiging parte ng primetime teleserye na ‘FPJs Ang Probinsyano’.

Ito ay matapos makapanayam si Coco sa Sine Sandaan sa New Frontier Theater, Quezon City, ika-12 ng Setyembre, Huwebes.

Paliwanag ng aktor, nais pa nilang mapaganda ang teleserye kaya naisip niyang magkaroon ng mga Hollywood guests sa pinagbibidahang palabas.

INNITY ADS

Sabi niya, “Kasi halos lahat yata nagawa na namin. Syempre, alam mo naman ang mga Pilipino, syempre hindi natin sila titipirin. Kung ano pang maiisip natin para mapaganda yung teleseryeng ‘Ang Probinsyano,’ gagawin natin.”

Photo: Coco Martin Instagram

Ayon sa aktor, ginagawa nila ang lahat para mas mapaganda pa ang teleserye at para ma-inspire ang mga Pilipino lalo na ang mga sumusubaybay dito gabi-gabi.




Dagdag pa niya ay nais pa nilang makagawa ng magagandang kuwento para lalong magbigay inspirasyon sa tao.

Sabi ni Coco, “Meron kaming mga Hollywood actors na kinakausap… Actually, meron nang umo-o pero under negotiation pa po,”

Dagdag pa niya, “Magsu-shooting kami sa abroad, ‘tapos dadalhin dito.”

Matatandaang mag-aapat na taon na ang naturang primetime series at nananatili pa rin itong number 1 sa TV ratings.

Kaabang-abang naman ngayon ang mga susunod pang mangyayari sa ‘Ang Probinsyano.’