‘FPJs Ang Probinsyano’ actor Baron Geisler, balik rehab nga ba?

1275
Courtesy: Baron Geisler Facebook

Nakaset na nga ang pagbabalik ng aktor na si Baron Geisler sa rehabilitation center para sa tuluy-tuloy na paggagamot sa hindi niya mapigilang severe alcoholism.

Kamakailan lamang ay humingi raw ng permiso ang aktor mula sa kinabibilangang palabas na “FPJs Ang Probinsyano” kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Dante ‘Bungo’ Madarang, ang isa sa pinakamatinding kaaway ni Cardo Dalisay na ginagamapanan naman ni Coco Martin.

Sa isang post niya sa Instagram, nagsaad ito ng, “BTS- Thanks for the stills direk @iampopay. til next shoot. God bless po,” na nag-ani naman ng samu’t saring komento mula sa netizens.

INNITY ADS

 

View this post on Instagram

 

BTS- Thanks for the stills direk @iampopay 🙏🏽❤️😊 til next shoot. God bless po.

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler) on Jul 27, 2019 at 1:47am PDT

Natatandaang ilang beses na din nagpabalik-balik ang aktor sa rehab dahil na rin sa magkakasunod na kasong kinaharap nito noong mga nakaraang taon.

Sa paglabas nito ay nabigyan ng pagkakataong makapagtrabaho uli sa telebisyon gaya ng ‘Ang Probinsyano’ kung saan personal siyang binigyan ng tyansa ni Coco Martin na gumanap sa karakter ni ‘Bungo’.




Sa kabila nito ay nangako naman si Baron na babalik sa naturang palabas kapag kinakailangan siya rito kahit wala pa mang kasiguruhan kung papayag ba ang rehab facility.