Ex-‘PBB’ housemate Karen Reyes, ibinunyag na may 2 na siyang anak

1992
Screenshot from Karen Reyes' YouTube vlog

Kasabay ng Mother’s Day nitong Linggo, isiniwalat ni dating “Pinoy Big Brother” housemate Karen Reyes na mayroon na siyang dalawang chikiting.

Sa latest YouTube vlog ng aktres, ipinakilala niya ang mga anak na sina Olivia, ipinanganak noong June 2017, at sinundan ni Lucas noong July, nakaraang taon.

“I’m so happy and proud na ipapakilala ko na sila sa inyo ngayon. Actually hindi ko naman itinago, it’s just gusto ko lang ng privacy for them, for us nung time na ‘yon,” sabi ni Reyes.

INNITY ADS

Kuwento ni Reyes, limang buwan niya nang pinagbubuntis ang panganay noong ginagawa niya ang pelikulang “My Ex and Whys”, ngunit hindi niya naamin dala ng takot.

“Natakot ako dahil hindi ko alam kung tatanggapin pa ako ng mga tao, kung may babalikan pa ako sa showbiz. Sobrang hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Natakot ako sa judgments,” emosyonal niyang sinabi.




Ipinakita niya rin sa vlog ang kuha sa binyag ng kanyang panganay, kasama ang napaulat na partner na si Raymund “Sarkie” Sarangay, lead vocalist ng bandang Silent Sanctuary.

“Why am I sharing this now? Shini-share ko siya ngayon dahil ang dami kong realizations ngayong quarantine. Siguro na-realize ko lang na bakit ko pa kailangang matakot, e nandito na ang lakas ko. Nandito na ‘yung mga nagpapalakas sa akin,” aniya.