Ethel Booba, ipinasilip na sa netizens si ‘Little Booba’

513
Ethel Booba and "Little Booba", baby Michaela.

Sa unang pagkakataon, naglabas na si Ethel Booba ng malapitang kuha ng kanyang baby girl.

Isinilang ng komedyante si baby Michaela noong Araw ng mga Puso, Pebrero.

Nagbahagi si Ethel ng maikling video ng natutulog na anak nitong Pebrero 28 sa Twitter.

INNITY ADS

“Hello daw sa inyo sabi ni Baby Michaela, my Little Booba. Charot!” saad niya sa post.

Bago ito, nagpakita na noon ang komedyante ng litrato ni Michaela na kita lamang ang mga braso at binti.




Ibinunyag ni Ethel ang kanyang pagbubuntis noong Nobyembre kasabay ng pagkapanalo niya sa “Tawag ng Tanghalan: Celebrity Champions”.

Si Michaela ang unang anak ni Ethel sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Jessi Salazar.