Ethel Booba, ibinunyag ang pagbubuntis

1615
Photo: Instagram/ethelbooba

Dobleng biyaya ang ipinagpapasalamat ng singer-comedienne na si Ethel Booba na nito lamang Biyernes ay nag-anunsyo ng tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Matapos itanghal na kampeon sa “It’s Showtime” segment na “Tawag ng Tanghalan” Celebrity Edition, emosyonal na ibinahagi ni Ethel na anim na buwan na siyang buntis.

“Double celebration, double congratulations to me… Ito na nga, six months na,” maluha-luhang sabi ng komedyante.

INNITY ADS

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit hindi siya makabigay-todo sa pagkanta.

Yumakap naman kay Ethel ang host-comedian na si Vice Ganda na masaya sa balita.




Sa panayam sa kanya sa “Tonight With Boy Abunda” kamakailan, kinumpirma ni Ethel na masaya siya ngayon sa relasyon nila ng non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar.

Napabalitang nagkatuluyan ang dalawa noong 2017.