
Hindi napigilang sumagot ni Ella Cruz sa mga pumuna sa kanyang pangangatawan sa isa niyang K-pop dance cover video.
Nag-post ang aktres sa Instagram noong Enero 2 ng dance cover sa “Psycho” ng Red Velvet, kung saan maraming nagkomentong tila buntis siya o tumaba umano.
Kasunod nito, inilabas ng aktres ang sama ng loob sa kanyang Twitter account.
βPagka-artista bawal ba tumaba? Kailangan lagi namin ginugutom sarili namin para ma-maintain yung gusto nyo? Katatapos lang ng pasko at bagong taon, hindi ba pwedeng bakasyon din ang pagdiet?β saad niya sa unang post.
Pagka-artista bawal ba tumaba? Kailangan lagi namin ginugutom sarili namin para ma-maintain yung gusto nyo? Katatapos lang ng pasko at bagong taon, hindi ba pwedeng bakasyon din ang pagdiet? π
β ella (@itsEllaCruz) January 2, 2020
Inamin din ni Cruz na nasaktan siya sa mga natanggap ng pamumuna.
βI feel confident with my body thatβs why I posted the video but people body shaming me saying βtumaba ka,β βbuntis ka ba?β makes me feel bad about myself,β aniya.
Hinikayat din niya ang lahat na itigil na ang body shaming at tumulong na lang sa pagpapaangat ng iba ng kanilang kumpiyansa sa sarili.
“STOP BODY SHAMING! Or more like STOP SAYING NEGATIVE THINGS TO OTHERS,” aniya pa.
It is depressing! Everyoneβs trying their best tapos all these people do is look for the negative side! Why not help them boost their confidence? Spread positive vibes. Masarap mabuhay ng ganun. β€οΈ all love. No hates.
β ella (@itsEllaCruz) January 2, 2020
Kasunod nito, nag-post naman si Cruz ng video ng kanyang tatay na nagpapakita ng tiyan habang sumasayaw.
Biro ng aktres, “ginalit niyo papa ko. Ito raw ang buntis.”