Donita Nose, umaayos na ang kondisyon matapos magpositibo sa COVID-19

272
(Screenshot from Donita Nose Facebook live)

Masayang ibinalita ng “Wowowin” co-host Donita Nose na bumubuti na ang kanyang lagay matapos magpositibo sa COVID-19.

Sa Facebook live ng komedyante, sinabi nitong mayroon ng progreso ang kanyang pagpapagaling sa ospital.

“Siguro in two day’s time baka makalabas na ako. Medyo okay na ang pakiramdam ko, hindi naman ako hirap huminga,” saad niya.

INNITY ADS

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga nanalangin at nag-alala sa kanya habang nakikipaglaban sa sakit.

Bagama’t naging mahirap daw para kay Donita ang paghahanap ng ospital dahil sa umano’y puno na ang mga pasilidad, swerte pa rin daw siyang hindi nilagyan ng tubo.




“Wala talaga, wala talagang room na available sa sobrang dami ng pasyente. ‘Yun din ‘yung minsan stranuggles ‘pag nasa ospital ka na. Saan ka pupuwesto? Maayos ba ‘yung magiging ano mo? Alam mo ‘yung goon,” kwento nito.

Para naman sa mag nagda-diet, nagpaabot ng paalala ang komedyante ngayong nasa gitna ng pandemya ang bansa.

Pinakiusapan niya ang mga ito na huwag munang ipagpatuloy ang pagpapapayat dahil ito umano ang naging sanhi ng paghina ng kanyang katawan kasabay nang pagpositibo niya sa virus.

“Kumain kayo nang marami, kumain kayo nang tama. ‘Yung mga ayaw tumaba. Tapos mag-exercise pa rin kayo. Pero kumain kayo. Huwag na huwag kayong mag-diet sa panahon na ‘to, please,” payo ni Donita.

Samantala, inihayag din niya na huwag pandirihan ang mga taong mayroong COVID-19.

Aniya, hindi kailangang husgahan ang mga ito dahil hindi naman nila kagustuhan ang mga nangyari.

Mas maigi raw na umiwas na lang kaysa pandirihan ang mga ito kahit pa mahirap umanong magkaroon ng virus.

Samantala, sakaling makalabas ng ospital ay sasailalim pa sa dalawang linggong quarantine si Donita.

BASAHIN: Komedyanteng si Donita Nose, nagpositibo sa COVID-19

Willie Revillame kay Donita Nose: ‘Talunin mo ‘yang virus na ‘yan’