
Sa pamamagitan ng social media, inilabas ng radio jock na si DJ Chacha ang kaniyang sama ng loob tungkol sa mga anomalyang kinakaharap ngayon ng PhilHealth.
Ayon sa radio personality, hindi niya mapigilang manlumo sa isyu ng PhilHealth.
Kakapanlumo yung issue ng Philhealth. Mukhang walang hihimas ng rehas. Hay. Lord, nakikita mo naman lahat. Ikaw na bahala sa mga magnanakaw ng kaban ng bayan.
— DJ Chacha (@_djchacha) August 12, 2020
“Mukhang walang hihimas ng rehas. Hay. Lord, nakikita mo naman lahat. Ikaw na ang bahala sa mga magnanakaw ng kaban ng bayan,” tweet ni DJ Chacha o Czarina Balba sa tunay na buhay.
Isa rin umano sa kaniyang kinaiinis ay ang hindi patas na pagtrato sa mga ordinaryong mamamayan at mga taong nasa posisyon na totoong nagkasala.
Yung nagtanggal lang ng face mask para uminom ng tubig may fine agad pero itong mga magnanakaw ng perang pinaghirapan ng ordinaryong manggagawa, may pag asa bang managot? HAY.
— DJ Chacha (@_djchacha) August 12, 2020
“‘Yung nagtanggal lang ng face mask para uminom ng tubig, may fine agad. Pero itong mga magnanakaw ng perang pinaghirapan ng ordinaryong manggagawa, may pag asa bang managot? HAY,” giit ng personalidad.
Hinamon din niya ang pangulo ng PhilHealth na si BGen. Ricardo Morales na magbitiw sa puwesto at sinabihang magkaroon ng “konting kahihiyan.”
MAGRESIGN KA NA SIR. PLEASE LANG. KONTING KAHIHIYAN. https://t.co/GY76Bg1JX4
— DJ Chacha (@_djchacha) August 12, 2020
Kabilang si DJ Chacha sa libu-libong empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho matapos ibasura ng Kongreso ang aplikasyon ng kompanya para sa panibagong prangkisa.