Dingdong Dantes, nagbenta ng pre-loved motorcycle gear bilang tulong sa COVID-19 crisis

622
IG/@dongdantes

Pina-auction ni Dingdong Dantes ang ilan sa kanyang mga gamit pang-motorsiklo upang makatulong sa krisis sa COVID-19 sa bansa.

Sa fundraiser na sinimulan ng kapwa aktor na si Drew Arellano na tinawag na “Drew’s Closet” idinaan ni Dantes ang mga gamit na binenta.

Isinagawa ang bidding noong Martes, Mayo 5, via livestream sa Facebook page ng “Life with the Arellanos.”

INNITY ADS

Kabilang sa mga naibentang gamit ni Dantes ay dalawang helmet, leather bag, at two-piece leather motorcycle suit na ginamit ng aktor sa kanyang training sa California Superbike School sa Clark, Pampanga.

Pinasubasta niya rin ang dalawang trucker cap na pinasadya para sa binyag ng anak na si Sixto noong Hulyo.




Lahat ng kinita ay mapupunta sa Andrew’s Fund PH, Caritas Manila, Magna Anima Teachers College, YES Pinoy, Diocese of Antipolo, at iba pa.

Bukod kay Dantes, nauna nang nagpa-auction ng pre-loved items sina Arellano at Jericho Rosales para sa kani-kanilang benepisyaryo sa gitna ng pandemya.