Dating ‘Goin Bulilit’ star Carl John Barrameda, ikinasal na

2270
Instagram/@iamjosel

Ikinasal na si dating child actor Carl John Barrameda sa kanyang non-showbiz partner na si Nikolai Cimatu, noong Sabado, Marso 8.

Sa edad na 26, si Barrameda ang naging kauna-unahang miyembro ng “Goin Bulilit” na ikinasal.

Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa garden ceremony sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City, na dinaluhan ng mga dati ring “Bulilit” na sina Miles Ocampo, John Manalo, Katrina Legaspi, Igi Boy Flores at CJ Navato.

INNITY ADS

Imbitado rin ang isa sa mga program director na si Badjie Mortez, na makikita sa litratong ibinahagi ng writer na si Josel Garlitos sa Instagram.

View this post on Instagram

Still more and more pics from Carl and Nik's wedding hahaha hey SPI, Bojo and Councilor Jhong!

A post shared by Josel Garlitos (@iamjosel) on




Nag-post din si Manalo, na naging best man sa kasal, ng solo picture ni Barrameda na nakabihis na ng suit.

“Kakasal ka na dodong,” saad niya sa post.

View this post on Instagram

Kakasal ka na dodong.

A post shared by John Vladimir Manalo (@manalojohn) on

Pebrero 2019 nang ma-engaged si Barrameda at Cimatu sa Hong Kong makalipas ang anim na taong relasyon.