Cooking channel ni Judy Ann Santos may 1M subscribers na, nakatanggap ng YouTube Gold Play Button

168
Instagram/judyannskitchen

“Happy Golden Christmas” ang bati ni Judy Ann Santos sa kanyang mga followers bilang selebrasyon sa natanggap niyang Gold Creator Award mula sa YouTube.

Ito’y matapos umabot sa isang milyon ang subscribers ng aktres sa kanyang cooking vlog na “Judy Ann’s Kitchen”.

Inanunsyo ni Juday ang magandag balita sa official Instagram page ng kanyang channel noong Lunes.

INNITY ADS

“Happy Golden Christmas everyone! Thank you so much!” saad ng aktres sa kanyang video post na yakap-yakap ang YouTube Gold Play Button plaque.




Nakisaya rin sa nakamit ni Juday ang kanyang asawang si Ryan Agoncillo.

Isa lang ang aktres sa ilan pang mga artista at personalidad na sumabak na rin sa YouTube.

Noong Agosto, nakatanggap rin ng Gold Play Button ang kapwa aktres na si Heart Evangelista.