Cherry Pie Picache sa pagtindig ni Coco Martin para sa ABS-CBN: ‘Salamat sa tapang, paninindigan, prinsipyo’

2027
Instagram/@yescppicache

Nagpahayag si Cherry Pie Picache ng paghanga at pagmamahal kay Coco Martin na isa sa mga personalidad na nanawagan sa balik-operasyon at franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa isang Instagram post noong Sabado, May 9, pinasalamatan ng aktres ang katapangan ni Martin, na magandang ehemplo raw sa kabataan, pati na sa kanyang mga anak.

“Alam mong noon pa kita mahal at nirerespeto anak @mr.cocomartin… higit na higit pa ngayon bukod sa pagiging aktor, kundi bilang tao,” ani Picache.

INNITY ADS

“Alam naming hindi madali. Maraming salamat sa tapang, paninindigan, prinsipyo at pagmamahal. Sa pagiging mabuting ehemplo para sa mga kabataan, para sa anak ko,” dagdag niya.




Matatandaang tahasang binatikos ni Martin si Solicitor General Calida at National Telecommunications Commission (NTC) na aniya’y “tinatarantado ang mga Pilipino”.

Tinira niya rin ang trolls at bashers ng Kapamilya network at nanawagan sa iba na huwag pansinin ang mga ito “para hindi pasahurin”.

“Marami pang kabutihan ang ginagawa mo na hindi alam ng marami. May our good Lord bless, guide and protect you always!” sabi pa ni Picache sa aktor.

Si Martin ang bida sa teleserye na “Ang Probinsyano”, na isa sa mga long-running at top-rated na palabas sa ABS-CBN.