Catriona Gray, nakilala na ang rapper na sumulat ng nag-viral na ‘Catriona’ song

399
(Image from Matthaios Instagram)

Sa wakas ay nagtagpo na rin ang landas ni Miss Universe 2018, at ang bagong host ng It’s Showtime, Catriona Gray at ang rapper na si Matthaios na siyang sumulat ng sumisikat ngayong kantang ‘Catriona’.

Nito lamang Huwebes, Enero 9 nang mabigyan ng pagkakataong makita sa personal at makikilala ng rapper ang beauty queen.

Ibinahagi niya ang larawan kasama si Catriona sa kanyang Instagram account.

INNITY ADS

 

View this post on Instagram

 

Heaven really does exist. 👑

A post shared by Matthaios (@matthaiostbw) on Jan 8, 2020 at 7:10pm PST

Aniya sa kanyang post, “Heaven really does exist.”

Ayon kay Matthaios, naging inspirasyon niya si Catriona sa sinulat niyang kanta na ngayon ay mayroon na ring sariling dance craze na trending online.




Lumabas ang ‘Catriona’ song ni Matthaios sa YouTube noong Disyembre 1 sa ilalim ng MIDA$ Records na agad namang pumalo sa 28M views.

Sa ngayon ay busy ang beauty queen lalo’t isa na siyang parte ng It’s Showtime family sa ABS-CBN.