Catriona Gray, magkakaroon na ng wax figure sa Madame Tussauds Singapore

70
IG/catriona_gray

Magkakaroon na rin ng sariling Madame Tussauds wax figure si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Inanunsyo ni Catriona ang balita sa Instagram kung saan nag-post siya ng litrato niyang namimili ng pekeng eye ball na marahil ay gagamitin sa wax statue, nitong Lunes, kasabay ng kanyang ika-26 kaarawan.

INNITY ADS

Sa pahayag naman ng Madame Tussauds Singapore, isusuot sa wax figure ang kopya ng Mayon Volcano-inspired “lava gown” na gawa ng designer na si Mak Tumang.

Ito rin ang suot ni Catriona nang koronahang Miss Universe sa Thailand noong Disyembre 2018.




Si Catriona ang pinakabagong Pinoy na magkakaroon ng Madame Tussauds wax figure, sunod kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na mayroon ng statue sa Madame Tussauds Hong Kong.

Gaya ng kay Pia, unang ipakikita ang wax figure ni Catriona sa Manila bago ilipad sa Singapore.