Catriona Gray, bagong co-host sa ‘It’s Showtime’

140
Image from Facebook/Catriona Gray

Sumabak na din sa TV hosting si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa noontime variety show na “It’s Showtime”.

Unang inilabas ni ABS-CBN entertainment reporter MJ Felipe ang balita sa Twitter account niya, Linggo ng hapon.

Ayon kay Felipe, mapapanood ng madlang people si Gray simula ngayong Lunes, Enero 6.

INNITY ADS

Hindi pa malinaw kung hanggang kailan magiging bahagi ng programa si Gray.

Sa tweet ng “It’s Showtime”, sinabi nilang “January 6 is the luckiest day ngayong 2020” dahil back-to-back ang dalang kasiyahan ng noontime variety show sa pagpasok ng dating reyna.




Kasama din niya sa programa ang iba pang hosts na sila Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Karylle, Amy Perez, Kim Atienza at Ryan Bang.

Ilulunsad din ngayon ang bagong segment na pinamagatang “Mini Miss U”, hango sa titulong nasungkit ng beauty queen.

Matapos ang matagumpay ng reign bilang Miss Universe, pumirma ng kontrata sa ABS-CBN Books si Gray noong Disyembre 14 at isusulat ang librong “Conquering Your Universe” na nakatakdang ilabas sa second quarter ng 2020.