Bianca Umali, nagpasalamat sa mga pumuri, pumuna sa kanyang sexy photos

903
(Bianca Umali Instagram)

Pinasalamatan ng Kapuso actress Bianca Umali ang kanyang mga tagahanga gayundin ang mga bashers na pumuna sa kanyang sexy photos online.

Nang makapanayam ang aktres, muli niyang ipinaliwanag na ang lahat ng mga larawang ibinahagi niya sa social media ay hindi para kunin ang atensyon ng ibang tao.

Aniya, “It’s something you should do for yourself. It’s a lifestyle. You can’t force it.

INNITY ADS

Dagdag niya, karapatan niya namang i-post ang mga gusto niyang i-post sa kanyang social media account gaya ng iba.

“I post photos I want to post on my account because of the memories, because of the feelings I have in the moment,” saad ng aktres.




Wala raw siyang intensyon na magpakita ng pagiging mas mature o mas matanda, nais lamang daw niyang i-post ang kanyang mga litrato.

Giit niya, “Posting the photos that I have posted that are sexy to the eyes of other people, I’m very thankful for both the compliments and the bashing.”

Maalalang naging usap-usapan online ang mga larawan ni Bianca suot ang ilan sa kanyang mga bikini attire sa Instagram account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa) on Oct 25, 2019 at 7:47am PDT

 

View this post on Instagram

 

simply happy

A post shared by Bianca Umali (@bianxa) on Oct 11, 2019 at 6:10am PDT

Marami ang kinagiliwan ang aktres ngunit samu’t saring puna rin ang natanggap niya mula sa mga netizens dahil umano sa kanyang murang edad.

Nang tanungin naman kung handa na ang aktres sa mga mature roles, sinabi nitong gagawin niya ang lahat ng makakaya dahil mahal niya ang kanyang trabaho sa industriya.