Bela Padilla, nominadong Best Actress sa Seoul International Drama Awards 2020

82
IG/@bela

Pasok si Bela Padilla bilang kandidata sa Best Actress award sa 15th Seoul International Drama Awards (SDA) 2020.

Kinilala ang aktres sa kanyang pagganap bilang Juris sa ABS-CBN crime drama “Sino ang Maysala?” na nominado rin sa Serial Drama category.

Sa Instagram Story noong Huwebes, nagpasalamat si Padilla sa naturang nominasyon mula aniya sa isa sa mga paborito niyang bansa.

INNITY ADS

Ikinatuwa niya rin na maihanay sa Korean actress na si Hyo-Jin Kong at British actress Imelda Staunton na kilala bilang Professor Dolores Umbridge sa “Harry Potter” series.

Nasa 212 entries mula sas 41 bansa ang sinala ngayong taon para sa SDA na tanging international television festival ng South Korea.




Matatandaang noong nakaraang taon ay nagwagi si Alden Richards ng Asian Star Prize (male category) sa naturang festival.

Si Dennis Trillo naman ang kauna-unahang Pinoy celebrity na nakatanggap ng nasabing award noong 2016.