Bea Alonzo, nanguna sa charity drive para sa COVID-19 frontliners

428
Instagram/@beaalonzo

Nag-organisa si Bea Alonzo ng charity group na tumutok sa pangangailangan ng frontline health workers sa gitna ng coronavirus pandemic.

“So, yesterday, we decided to create face shields for the frontliners,” anunsyo ng aktres sa kanyang Instagram post noong Sabado.

Kalakip ng post ang mga litrato ni Alonzo na kumikilos katuwang ang I Am Hope organization, grupong sinimulan ng aktres at ng Cinema Evaluation Board member na si Rina Navarro

INNITY ADS

Pinasalamatan niya rin si Cathy Banag sa 2,000 raw materials sa paggawa ng face shields at 100 galon ng ethyl alcohol na ibinigay nito sa organisasyon.




Bukod sa paggawa ng face shields, nakapag-repack din daw ang grupo nila ng relief goods sa parehong araw.

“Maliit na tulong ito kumpara sa ginagawa para sa atin ng ating magigiting na frontliners! OUR REAL LIFE HEROES,” aniya.

“Let us be HOPEful, let us pray. Let us do our part, and help save those who save lives,” panghihikayat ni Alonzo.