Barretto sisters, nakalikom ng higit P650K sa isang linggo para sa itatayong quarantine facility

1519
Photo via Instagram/@danibarretto

Higit pa sa target na P600,000 ang nakalap na pondo ng magkakapatid na Julia, Dani at Claudia Barretto para sa plano nilang COVID-19 quarantine facility.

Ibinahagi ni Julia sa Instagram nitong Sabado ang balita sa sinimulan nilang GoGetFunding page noong nakaraang linggo, Abril 5.

“Good news! Our fundraiser #ParaMayBukas has already reached its 600,000PHP goal but because of your generosity and support we ended our fundraiser with more— 651,952.22PHP!!!” sabi ng aktres.

INNITY ADS

Nagpasalamat ang magkakapatid sa mga nakiisa at nagpaabot ng donasyon sa naturang proyekto.




Batay sa GoGetFunding page, P216,160 ang nalikom online, habang P435,792 naman ang offline donations, ngayong Abril 13.

Layon ng quarantine facility na itinatayo ngayon sa Fe Del Mundo Medical Center sa Quezon City, na tugunan ang overcrowding sa mga ospital na tumatanggap ng COVID-19 patients.