Baron Geisler, isa ng ‘Datu’

343
Photo: Baron Geisler Instagram

Ginawaran ng titulong ‘Datu’ ang aktor na si Baron Geisler ng isang Royal Family, ika-10 ng Setyembre, sa Quezon City.

Sa Instagram post ng aktor ay ibinahagi nito na isang malaking karangalan ang natanggap mula sa mag-asawang hari at reyna.

 

View this post on Instagram

 

I am honoured to be chosen as Ambassador of Peace and Prosperity by Raja Mamay and Queen Hellen of Sulu and North Borneo. This appointment is not about religion but bridging gaps amongst the Filipino people and by inspiring change through my past. By God’s grace I was restored. This serves as a blessing of peace and friendship. My mission is to promote the beauty and culture of our great nation and to encourage the youth to take pride in our heritage. Let us one day, do away with all the hate and resentment, forgive and be united for peace and lasting progress, for our future and the hope of humanity. Padayon! #buildingfreshnewstories #allforGodsglory #LessofmemoreofHim☝🏼

A post shared by Baron Geisler (@baron.geisler) on Sep 10, 2019 at 9:05am PDT

Sa titulong, “His Excellency Datu Baron Frederick von Geisler, Royal Datu and Ambassador for Peace and Prosperity“, pinagkalooban ang aktor ng certificate of Royal Appointment and Recognition, na may kasamang medalya, singsing at royal ID.

INNITY ADS

Ang mag-asawang sina King Raja Mohammadmamay at Queen Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak ay mga tagapagmana ng trono ng Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu at North Borneo.

Napahanga sila sa testimonya ng aktor nang marinig nila ang kwento nito noong ika-6 ng Agosto sa kaarawan ni Atty. Joe Villanueva kung saan tumayo sa pulpito si Baron at nagbahagi ng kanyang pangit na nakaraan.




Kasama ng hari at reyna ang main pastor nina Baron at ang Knights of the King circle sa naturang selebrasyon.

Dito ay kinuwento ni Baron kung paano nabago ang buhay niya nang makilala ang Panginoon at kung paano siya tinapik na iwan na ang pangit na nakaraan.

Sabi ng aktor, “Now, since I have that peace in my heart, I have God in my heart, I also want to spread that, and share that with the people here in the Philippines and all over, kung sino man ang makasalamuha ko.”

Ayon sa hari at reyna, naging inspirasyon ang kwento ni Baron lalo na sa mga kabataan.

Nakaraang taon lamang ay sumali ang aktor sa isang relihoyosong grupong Maranatha Christian Fellowship sa Cebu matapos nitong bumalik mula sa pagkakarehab.

Marami na ring hinarap na isyu ang aktor at naging usap-usapan kamakailan lang na iiwan nito ang ‘FPJs Ang Probinsyano’ para bumalik sa rehab.

Samantala, nakatanggap naman ng magkahalong komento mula sa netizens ang aktor.