Barbie Forteza, Jak Roberto nag-celebrate ng 3rd anniversary

391
Instagram/@barbieforteza

Minarkahan nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang kanilang third anniversary bilang magkasintahan kahapon, May 19.

Sa Instagram, nagpalitan ang Kapuso couple ng mensahe para sa isa’t-isa.

“Being with you has been one of the best things that’s ever happened to me,” sabi ni Forteza, kasama ang throwback kissing photo nila ng nobyo sa Sapporo, Japan.

INNITY ADS

“You boost me up when I feel insecure. You put my feet back on the ground when I fly too high. You support me in everything that I do. You don’t judge, you accept. You love, and you love and when it all feels overwhelming… you love more,” dagdag ng aktres.




Isang video naman ang binahagi ni Roberto kung saan ginulat niya ang aktres na mukhang hindi nakapagpigil na magmura.

“Happy 3 years Madam! Dati crush lang kita, akalain mo yun 3 years na! Sayang ‘di tayo makapag-celebrate alam mo na,” saad ng aktor sa caption.

Nagsimulang maging usap-usapan ang “Meant To Be” co-stars noong 2017 nang mag-post si Forteza ng photos ng coffee date kasama ang misteryosong lalaki.

Ilang linggo lang matapos noon nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang off-screen relationship.