Balita ukol sa “break-up” nina James Reid at Nadine Lustre, pinagpiyestahan online

472
Image from VIVA Entertainment

Totoo nga bang hiwalay na sina James Reid at Nadine Lustre?

Ito ang pinag-uusapan ngayon ng netizens at fans matapos ibalita ng entertainment portal na PEP.ph ang umano’y estado ng relasyon ng “JaDine”.

Base sa artikulo ng PEP.ph, sinabi daw ng kanilang “source” na nakita niya mismong umalis sa condo unit ng aktor si Lustre.

INNITY ADS

Matatandaang inamin ni Reid na magkasama sila ng nobya sa iisang bubong noong Marso 2019.

Ayon pa sa source ng showbiz website, “irreconcilable differences” raw ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. Halos apat na taon silang magkarelasyon.




Nabatid din sa ulat na may “kahulugan” ang mga huling post ng aktres sa kaniyang Instagram.

Pero paniniwala ng “JaDine” fans, fake news ang kumalat na impormasyon.

Inilabas din ng ilang tagahanga ang umano’y retraro nina Lustre at Reid na magkasama noong Pasko at salubong ng bagong taon.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang real-life sweethearts tungkol sa nasabing balita.