Baeby Baste, Pauleen Luna Sotto, nakipagsabayan sa ‘Tala’ dance challenge

739
(Screenshot of the video from Baeby Baste Instagram)

Hindi nagpahuli ang dalawang kilalang Eat Bulaga hosts Pauleen Luna Sotto at Baeby Baste sa pakikipaghatawan sa sayaw na ‘Tala’ ni Sarah Geronimo.

Agad na nagviral online ang video ng dalawa na sa Instagram account ni Baeby Baste.

Mapapanood sa ibinahaging post ni Baste ang pagsayaw nila ni Pauleen na ginawa nila sa backstage ng Eat Bulaga APT’s studio.

INNITY ADS

Ani Baste sa kanyang post, “Tita @pauleenlunasotto πŸ˜¬β€πŸ˜‚β˜Ί epekto sa banana cue, nasobraan mi kaonπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚.”




Ibinahagi rin kalaunan ni Pauleen ang post na nakatanggap din ng samu’t saring reaksyon.

Maalalang muling sumikat ang kanta bago magtapos ang 2019 kung saan marami ang talaga namang nagpakitang-gilas na sayawin ito at ibahagi sa social media.