Army frontliner na si Ronnie Liang, negatibo sa COVID-19

482
Image from Instagram/Ronnie Liang

Negatibo ang resulta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test ng singer-army reservist na si Ronnie Liang.

Sa Instagram post, sinabi ni Liang na sumailailim siya sa rapid test bunsod ng pagiging frontliner na aniya mataas ang exposure sa nakamamatay na virus.

Labis naman ang pasasalamat niya sa kinalabasan ng isinagawang pagsusuri.

INNITY ADS

“It helps to keep myself healthy, well hydrated and always keeping a safe distance when outside” pahayag ng mang-aawit.




Hinikayat ng army-reservist ang publiko na manatili sa loob ng kani-kanilang bahay at sundin ang physical distancing kapag may importanteng gagawin sa labas.

Isa si Liang sa mga nagbabantay noon sa quarantine checkpoint ng MacArthur Highway sa Valenzuela City.

Kasama rin ang personalidad sa mga nagbiyahe ng mga na-stranded na medical workers sa unang linggo ng pinalawig na community quarantine.