Annabelle Rama, Gretchen Barretto, nagkaayos na

264
(Photo: Instagram account of Gretchen Barretto and Annabelle Rama)

Tinapos na ang away at nagkaayos na sina Annabelle Rama at Gretchen Barretto matapos ang isang buwan na hindi pagkakaunawaan ng dalawa.

Nangyari ang pagbabati sa isang Chinese restaurant sa Greenhills, San Juan nang bumalik si Greta mula San Francisco, California.

Sa dinner date ng dalawa, kasama nila ang asawa ni Annabelle na si Eddie Gutierrez, at ang Regal Film producer na si Mother Lily Monteverde.

INNITY ADS

“Hindi niya kayang awayin ako. Let’s face it, mahal mo ‘ko,” sabi ni Greta kay Annabelle, na agad naman nitong sinagot ng “oo naman”.

Ayon sa ulat ng vlogger na si Jun Lalin, galing daw ng cr si Greta nang bigla itong tawagin ni Mother Lily.




“Huwag na mag-away-away, magbati-bati na para positive ang lahat!” saad ni Mother Lily.

Nang makalapit si Greta ay mahigpit na yakap ang ibinigay nito kay Annabelle.

Matagal pa raw ang naging kwentuhan ng dalawa sa kanilang private dinner sa naturang restawran.

Matatandaang nakaraang buwan nang magkaroon ng away ang dalawa nang madawit ang anak ni Annabelle Rama na si Ruffa Gutierrez sa awayan ng Barretto sisters.