Anjo Yllana, nagpaalam na sa ‘Eat Bulaga!’ matapos ang 21 taon

473
Anjo Yllana with former EB co-host Julia Clarete. Image: Facebook/Anjo Yllana

Nagpaalam na si Anjo Yllana bilang co-host ng noontime show na “Eat Bulaga!” sa loob ng 21 taon.

“With a heavy heart… today Aug. 11, 2020… I submit my resignation,” saad niya sa Facebook post kalakip ng mga litrato kasama ang co-hosts.

“21 years and it was a blast,” aniya pa.

INNITY ADS

Lumabas naman sa Inquirer Bandera na lilipat na umano ng network si Anjo.

Naiulat na nakatakda siyang mag-host sa bagong noontime show sa Net 25 ng Eagle Broadcasting Corp., kasama ang komedyanteng si Kitkat Favia.




Hindi naman binanggit ni Kitkat ang pangalan ng show na ipalalabas daw sa September o October.