Angeline Quinto, sinagot ang netizen na pumuna sa kanyang dibdib

15034
(Photo courtesy: Angeline Quinto Instagram)

Sinagot ng singer na si Angeline Quinto ang isang netizen na pinunterya ang kanyang dibdib sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng komento sa kanyang instagram post.

 

View this post on Instagram

 

Good Morning Abu Dhabi😇🥰💋 See you soon Manila. Miss na kita❤️

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on Nov 17, 2019 at 8:09pm PST

Habang nasa Abu Dhabi ang singer, ibinahagi niya ang kanyang larawan na nakaupo at may caption na,

“Abu Dhabi😇🥰💋. See you soon Manila. Miss na kita❤️”

INNITY ADS

Isang netizen ang agad na nagreak at lantarang sinabi,

“Hoy angge…kung kakanta ka nman sa asap lantaran na ung boobs mo kkahiya ka!!!ayos ayosin mo nman ganyan ba ang dalagang pilipina…🙌🙌🙌👏👏👏”




Agad namang binigyang-pansin ni Angeline ang naturang comment at sinabi sa netizen na pagtuunan na lang ng pansin ang kanyang personal na buhay kaysa pansinin ang kanyang boobs.

“Maka Hoy naman po kayo sa akin, ni magulang ko hindi po ako tinatawag ng ganyan. Sana po kahit papaano maging mabuting ehemplo din kayo sa ibang kabataan. Kung problema niyo po ang boobs ko, huwag niyo na pong pagaksayahan ng panahon dahil nasisiguro ko mas maraming bagay ang dapat pinagkakaabalahan ninyo sa personal niyong buhay kesa sa boobs ko. Tama po? Salamat po,” ani Ange.

Agad namang tumanggap ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang naturang comment.

May isang nagsabing, “Ganyan ang inggiterang tao walang pinipili kht mpsocial media. Nde porke meron tayong freedom na nsbhn ang gusto natin e panghihimasukan mo pati ibang tao kht makapanakit lang😛😜🤪 wag mo ipasa sa iba ang frustrations mo sa buhay… Atupagin mo buhay mo ng umasenso ka🤣🤣🤣🤣.”

Marami rin ang nagbigay ng suporta sa singer at sinabing huwag na lang pansinin ang komento.

Matatandaang kamakailan lamang ay inamin ni Ange ang pagpapadagdag sa dibdib.